Posts

Showing posts from March, 2009

Salamat Francis M.

Alam ko na hindi masyado malakas ang tinig ko para maipahayag ang nasasaloob ko sa mga bagay lalo na sa ating bayan. Isa akong "sino" na bahagi lamang sa mga sumasabay sa agos ng lipunan, pumilit mang kumawala o mag-iba ay hindi ko rin maggawa. Sa totoo lang ako ata ang pinakaboring na tao sa Maynila. Walang kabuhay buhay at hindi pinakikingan. Marami akong gustong gawin pero takot na takot ako na sumubok. Ito ang buhay ko noon, at lingid sa lahat na kung ano ang aking nagagawa ngayon at maabot ko pa ay pinasasalamatan ko kay Francis M.

walang biro.

Sa totoo lang hindi ako rapper, wala din akong tato ng araw at bituin, hindi ko saulado ang bawat liriko sa kanta niya. Pero nagkasundo kami sa mga hinahangad sa buhay. Ang mabuhay ng masaya, mapayapa, ipakita ang pag-mamahal sa bayan at ibahagi ang talento sa iba. Pangarap ko nga noon ang makasama siya, kung sakali, sa pagkanta o sa pag-hohost kung maging artista man ako. Pero sa paglisan niya, titiklop ba ako? babalik ba ako sa d…