Blah Blah Blogs: Tribute to Michael Jackson...


Sa totoo lang hindi ako die hard fan ni Michael Jackson, pero gusto ko yung mga kanta niya. Di nga ako marunong ng moonwalk, at hindi ako nagparetoke ng mukha. Pero sa mga idol ko sa music, idol nila si Michael Jackson, kaya kahit paano diggs ko na rin siya. Tangalin mo lang ang kontrobersya, at niretokeng anyo, maiiwan ang purong talento at pusong mapagmahal. Tao rin naman siya, kaya hindi na kailangan idiin ang kanyang nakaraang kasalanan. Nagtaka ako kaninang umaga dahil sa text ko lang unang nalaman ang balitang pumanaw na siya... may no joke pa talagang nakalagay. Tumungin naman ako CNN, at aba, totoo nga, wala na siya.

Shet.

Yun ang una kong reaksyon, kasi naman nagulat din ako nang namatay din si Farrah Fawcett bago ako natulog. Yun din, hindi naman ako fan pero kilala ko rin siya bilang artista. Aba DOUBLE DEAD, at di lang basta basta, big time, icons ng musika at telebisyon. Parang na-alaala ko yung namatay si FPJ, bigla na lang. At kahit sa kamatayan, may kontrobersya pa rin... haay
Ang hiling ko na lang ay kung nasan man si MJ ay matahimik na ang kaluluwa niya. Buhay siya magpakailanman sa kanyang mga kanta at gawa. Sayang nga na nawala siya ng di ina-asahan, pero ngayong patay na siya, ngayon lang natin naunawaan ang laki ng kontribusyon niya. Siguro malungkot siya nung namatay siya. Sayang, ngayon lang bumuhos ang supporta at pagmamahal. Sayang di rin niya, nasaksihan na kahit hindi siya ganun kabenta ay mas malalim ang kanyang iniwan na impluwensya sa mga tao sa industriya. Pero tama na ang sayang, wala na siya. Kailangan na natin ipagpatuloy ang kanyang magandang halimbawa... kung ano yun... kayo ang dapat makakita...


AKO MISMO... a good advocacy or just a venue to sell dog tags?

Siguro aware naman kayo sa AKO MISMO, yung commercial na lumabas sa laban ni pacquiao at hatton. Maraming artista. At bawat isa ay may saloobin ng kanilang gagawin para sa bayan. Actually, I did register sa site na yun, just to join in the cause for doing something for the country. Wala naman problema sa kanilang ginagawa dahil totoo naman, ang bawat isa ay may dapat gawin para sa bayan para sa ikabubuti nito. Medyo na-iintriga ako sa statement nila, yung dogtags. Sa totoo lang, maganda yung design at cool nga siyang tignan (kasi naman sa commercial black and white). Personally, sa mga taong nagregister o sumama sa advocacy, hangad lang ang dogtags... siguro dahil ito na ang next fashion statement. Hindi naman nagiging makabayan ang isang tao sa mga dog tags (na actually hindi libre at ilalaunch pa sa june 12 daw). At hindi rin malinaw sa mga ads o maging sa website kung ano ang pwedeng gawin ng indibidwal para sa pagbabago. Ano ba ang tangible o intangible results na gusto nilang mangyari. Maraming pera ang ginastos sa ads, sa paggawa ng dog tags, at pagbuo ng website, tapos ano?
Bakit hindi nila gayahin ang Gawad Kalinga, hindi naman sila nag-ad nung nilaunch yun, as in volunteers lang ng CFC at networks ang nagbuo noon at pagdaan ng panahon ay mas lumaki at na fefeel ng mga participants ang spirit ng bayanihan para mabigyan ng pabahay ang mga mahihirap. Yun sa akin ang mga advocacy na very successful in the past few years lang.
Hindi ako galit sa bumuo ng konseptong ito, pero tila maraming butas ang nakikita ko at lalo lang naliligaw ang tao dahil ang tanong AKO MISMO ANONG GAGAWIN KO? Ako rin hindi ko alam kung saan magsisimula.
Siguro ay kailangan talagang bigyan ng malinaw na vision ang advocacy na ito, oo marami namang tao na gumawa ng mga bagay na nakatulog sa bansa, eh paano ang nakararami?
At sa kikitain nila sa dog tags (kikitain syempre dahil magagamit ito bilang pondo para sa samahan, hindi naman masama unless gamitin sa ibang "project") saan ito mapupunta? sino ang mga beneficiaries? kasama ba dyan ang paglaban sa Global warming?
Paano kung magsawa ang tao sa dogtags kasi hindi na uso, patay na rin ba ang advocacy? Baka maging ningas kugon after ilang months o sa isang taon lang.
Sabi nga sa milo, great things start from small beginings, why not start off quietly but effectively. Baka kasi pagwala nang nag-ad o fashion statement, hindi na tangkilin ng masa yan. Likas naman sa pinoy na maging makabayan, pero para manatili sa kanya ito ang hamon sa atin.
Sa totoo lang din, may kumalat pang balita na ginagamit lang daw ang samahang ito para daw sa eleksyon, data base ika nga. Pero sa tingin ko, hindi naman siguro. Bukod sa GK, marami pa akong alam na mga organizations and movement na kahit sa maliit na komunidad ay malaki ang pinagbago ng kanilang lugar. Kung meron man makabasa nito mula sa AKO MISMO, bukas naman kami sa inyong paliwanag, tila marami kasing tanong na hindi nabibigyan ng linaw.
Hindi ko kailangan ng dog tag para sumama sa kilusan ng pagbabago. Dapat may Impluensya, charismatic words na tatatak talaga sa tao at hindi entertaiment lang. May Vision, ano ang specific outcome, malinaw na target at mga gagawin upang maabot ito. At Transparency kung saan at sino ang mga makikinabang. Hindi ba yan ang gusto natin sa gobyerno?
Bilang pagtatapos, sana hindi samantalahin ang magandang layunin na baguhin ang bansa na magsisimula sa bawat isa. Mahirap talaga, di biro na magbago ang puso mo at maging mabuting mamayanan. Pero kapag naglaon at naging habit na natin ang mga mabuting gawa, maipapasa natin ito sa susunod na henerasyon, siguro wala namang kokontra dyan di ba? At sana ang blog na ito ay hindi naman sinisiraan kayo, kundi ipakita ang mga bagay na kailangan ng paliwanag.

yey!


may LSS pa rin ako ng careless whisper...

may LSS pa rin ako ng careless whisper...

ang kanta sa mga careless na kumuha ng scandals
ang anthem ng mga careless sa bayan
ang himig ng mga taong may "guilty" feet na walang rhythm
oo madaling mag prentend, pero anong akala sa atin, fool?
tila whisper lang ang katotohanan, was the music seem too loud?
or you want to loose the crowd.
Sabi nga, I'll never dance again,
bakit marami pa ang gusto mag chacha?
maybe its better this way
But We'd already hurt each other with the things we'd say
at sa ingay ng tugtugin
hindi na natin namamalayan, ang mainit na tag-ulan dahil sa global warming
ang kakulangan ng gamit at titser sa mga paaralan.
dumadami na ang kaso ng H1N1.
habang busog ang mata natin sa skandalo
ang tyan ng marami nating kababayan ang kumukulo
lahat nais magmalinis
lahat nais magpanda ng imahe sa bayan
para sa anong dahilan?
oops! hindi ako careless...
whisper ko na lang


Careless Whisper (Live with Dave Koz) - Regine Velasquez

I won GCs fot I republic from the TV show TEN:the evenng news !

grabe, katuwaan ko lang pero nanalo ako ng GCs from the TV5 show ten:the evening news!
paunahan ang game pero ako yung nakapost ng tamang sagot kaya hayun.
so ano naman?
well ito ay testament na hindi tayo pinababayaan ni Lord. grabe kung magshower. at syempre kasama ko kayo sa pagcelebrate ng isa na namang panalo ko this year! yeah! ano pa kaya ang mapapalalunan ko this year..well join lang ng join!

the return of the comeback of Blah Blah Blogs! May Days 2009

Ok, first things first, its good to be back to blogging! Yey! medyo matagal nga nung nakasulat ako para sa blah blah blogs matapos ang maraming pangyayari sa buhay ko. Well, bad things first, kakaresign ko lang mula sa aking call center work, HOWEVER I am enjoying the priviledge of doing more time blogging and also focusing on my current works. Sa ngayon kasi full blast na ang KRISIS! KOMIX na sa ngayon ay webcomics pa lang. HOWEVER na naman, nakilala ko ang mga komik creators at publishers sa kakatapos na komikon summer fiesta sa UP bahay ng alumni. At dun lalo akong napahanga at na-inspire maging isang comic strip artist. Dumadami na rin ang aking network ng friendships by 30% (computed yan!). And kahit papano ay nakakalabas ako ng bahay upang gawin ang aking volunteer work. Hopefully din makabalik ako sa pag-aaral at matapos na yung kurso na magbabago ng mundo (plano kong sakupin ang daigdig ng may degree). HOWEVER again, syempre limited na ang aking kaperahan dahil sa wala na nga akong trabaho at naghahanap pa.
Sana sa mga darating na araw ay magbunga na ang aking mga plano sa buhay ( ang drama noh?) dahil syempre gusto naman natin na maging masaya at makulit ang buhay para hindi boring. Sabi nga sa commercial, ano man ang nais mo abutin mo para maabot mo ang Happiness, tama naman di ba? At lalo na sa mga bagong kong frienships and networks makakaya nga ito. Ito rin kaya ang dahilan kung bakit KRISIS! ang pangalan ng komiks ko. Lahat naman kasi tayo may ganung mararanasan, at malalagpasan natin ito (naks!)
Haay, krisis pa nga ako kaya ganito ang mga nasasabi ko... HOWeh....ok basta dahil nagbalik na ang matinding balitaan at ka-chorvahan lets party! Oo nga pala sana dalaw din kayo sa krisis! komix para makibalita at makigulo sa iba't ibang mukha ng buhay ko. At syempre add niyo na rin ako sa multiply at friendster o facebook niyo.
At nais ko lang isingit ang pasasalamat sa mga taong ito na nakatulong sa akin sa paggawa ng mga unang edisyon ng komiks ko maging sa pagsusulat ko sa internet. Sina Kuya Julius Villanueva, LiP forum mates, Hazel Manzano Chua, Adrian Fuentes at iba pa...

Susunod!

mas shocking revelations na nakaka-aw!
mas maarteng komentaryo kaysa kay kris aquino!
at mas loko lokong gawain na either nakakapukaw ng interes o nakakagago lang!
mga pasingit na balita na nakalipas na panahon tulad ng laban ni pacquiao
ang may 1 rally, ang chacha, mall ni Willy at iba pa!

Guys, ingats din pala sa kumakalat na epedmya ng A H1N1 flu na mabilis na kumakalat. Sa mga oras na ito wala pang kaso mula sa Pilipinas pero aantabayan din natin yan kasi hot topic din. Sige singit din natin ang mainit na balita sa mga scandalo ni Dr. Hayden Kho para mas mainit ang balitaan! At ang pinakakontrobersyal sa lahat, kailan ba mapupublish ang manual to lyf!?

grabe...

hindi ko na matake...

kaya abangan muli ang blah blah blogs!

A pilgrim's song


A Pilgrim's Song
a Holy Wednesday special


I dont want to confined in this space
this lonely dark space
I know I don't belong here
even if the luxuries of the world is with me

My Heart longs to journey to a place
far and away
To find solace, to find peace
that I have been looking for

No I never ask for a vacation
nor I did not ask for paradise
Even a lowly place
can be what my heart desires

A Pilgrim's journey is never an easy one
there's actually more pain and sacrifice in each step
And just like the master instructed
bring nothing, nor gold or silver

No maps or compass will be used
just the stars and your intuition
You will not mind how long it would take
but how we partake and live the journey

The life of a pilgrim is not easy
yet it is a meaningful one
To live is to sacrifice
To love is to give

Blah Blah Blogs! Play at Monday, Pray at Tuesday


Play at Monday, Pray at Tuesday
a holy monday and holy tuesday special


Please don't get me wrong with this one. I know I have to share something about these two days. I have not gone somewhere on Monday, but we went to mount Samat on Tuesday. To tell you the truth, I have not felt special on these days but I still have something that I could share for reflection. And since I still use this days for my holy vacation. Holy Monday was a time to reflect before I do many things again. I was still troubled with a lot of things that is currently happening in my life. Also I would like to mention that I feel that I must enter a lot of contest. Am I just too anxious? or too pressured to do things that I really dont need to do. God gave me this time to just take time for myself and reflect, but what do I do, worry more. I should have read scriptures to help me reflect.
Actually, on the early morning of Monday, while still online and ding several things, I managed to listen to taize song and podcast. Taize was my favorite style of doing prayer. Actually, I dont consider it as a style but a habit, however I was lost when things get too busy for me. I realized that even with all these problems troubling me, I realized that I am so very blessed. With material, physical and spiritual things. So why do feel unhappy. I think, my mission still needs to be given more time . At the end of the day, I played with the PSP just to make me drowsy. Now looking at another day, as a new ground for another reflection.
Tuesday started early for me since we need to arrive early to mount Samat for the Araw ng Kagitingan celebration. It was my first time there, but I got a feeling of de ja vu when we arrived. I havent appreciated veterans much even if both of my grandfathers are both veterans of the world war II. However, to be in a mountain with a titanic cross reminds me of the sacrifice of jesus at jerusalem. Indeed I felt I was on holy ground. Also even with a program by politicians, and diplomats, I never felt bored. I even find the message of Kristy Kenny, ambassador for the US, inspiring. She said that It was good that the celebration falls on a holy week, because we would remember the sacrifices that they made for us to reach what we are today. That Sacrifice is a sign of love and it will surely bring forth a positive outcome. And after the event, not only did I took some pictures, but also the sence of appreciation on what sacrifice is, with the realization of the things that the veterans did back then, so now I can proudly say that I am came from the lineage of heroes.

The cards have spoken. Meet the characters of the new horror film “Tarot”

Watch the trailer A group of friends decides to delve into the world of the occult and read their destiny through tarot cards, only to unlea...